Para! kuya sa tabi lang po
Sa tabi ng simbahan ng Quiapo
Sandali, dahan dahan lang po
Dahil ako ay baba na po.
Dala dala ko na naman ang aking paninda
Sa Plaza Miranda ako ay magtitinda
Suki, Halika ika’y lumapit na
Tinda kong kandila, pakisubukan nga.
Takbo dito, takbo doon
Mga batang kalye palaging naroroon
Sa paligid ng Quiapo, masayang naglalaro
Sama-samang tumatawa kasama ng magtataho.
Sa araw ng pasko, ng Nazareno
Mga deboto laging dumadayo
Naguunahan kay Nazareno na santo
Kulturang Pilipino dito mo matatamo.
Masayang gumala sa buong Quiapo
Maraming tindahan sa bawat sulok ng kanto
Paalala lang mag-ingat ka po
Sa dami ng tao, pinamili’y maglaho.